Isang bagong programa ng DTI ang ibinalita ni Prov’l. Director Eileen Ocampo, ang “Tindahan mo, i – level up mo” na layuning matuto ang mga store owners na ma-digitalize ang kanilang operasyon at makasunod sa programa ni Gov. Joet Garcia na PalengQR na naglalayon na ang transaksyon sa palengke ay sa pamamagitan ng digital payment tulad ng Gcash, paymaya at iba pa.
Ang Tindahan mo, i -level up mo ay may limang modules na sinimulan na noong June 26, 2024 hanggang October ng taon ring ito. Tuwing huling Miyerkules ng bawat buwan, tinatalakay dito ang, (1) Online marketing, kung saan ang mga may ari ng mga sari-sari stores ay tinuturuan na makapag-order ng mga paninda nnline, na hindi kailangang lumabas pa ng bahay, (2) i- level up ang puhunan, kung nakikitang lumalago na ang negosyo at kailangan ng dagdag na puhunan, (3) i -level up ang operation, kung lumalago na ang negosyo at nais mong mag-expand sa ibang lugar, at marami pang iba.
Ang nasabing programa ay bukas sa lahat ng mga store owners na gustong matuto sa pagpapatakbo ng kanilang tindahan tungo sa digitalization ng operation nito.
The post DTI Tindahan mo, i-level up mo appeared first on 1Bataan.