Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Environmental Youth Summit, inilunsad sa Abucay

Environmental Youth Summit, inilunsad sa Abucay

Inilunsad ng Eco Shift Movement Phil ang Environmental Youth Summit 2026 sa pangunguna ni Enrique Martel, na ginanap sa Las Marianas sa bayan ng Abucay nitong ika-30 ng Hulyo.

Ang nasabing paglulunsad ay dinaluhan ng mga kabataan, mga kababaihan at iba pang mamamayan ng Brgy. Omboy, na ayon pa kay Mayor Erik Martel ay adbokasiya ng kanyang anak na si Enrique na kanyang ikinatutuwa dahil layunin umano nito na mapalawak pa ang kamalayan ng lahat sa pangangalaga sa kalikasan at maayos nakapaligiran.

Kasunod ng paglulunsad ay ang pamamahagi ng mga segregation bins ng Eco Shift Movement Phil. bilang donasyon sa LGU ng Abucay na kanila namang ipinamahagi sa mga piling paaralan, simbahan at sa ibang barangay.

Ayon kay Enrique Martel nais niyang makatulong sa pagseserbisyo sa bayan ng Abucay sa pamamagitan ng kanyang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan at maayos, malinis na kapaligiran. Makatutulong ang segregation bins para ipakita sa mga bata at kabataan ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura.

Nagpasalamat si Mayor Erik Martel kay Enrique at sinabi pang maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang nasabing adbokasiya at hinikayat ang kanyang mga kababayan na suportahan ang nasabing programa para sa maayos at malinis na kapaligiran.

The post Environmental Youth Summit, inilunsad sa Abucay appeared first on 1Bataan.

Previous Libreng konsulta sa mata sa RHU Hermosa
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.