Food Bazaar sa Morong Discovery Park

Philippine Standard Time:

Food Bazaar sa Morong Discovery Park

Naging isang masayang pagtuklas ng kasaysayan sabay sa pagtikim ng iba’t-ibang putahe ng mga pagkain ang inihandog sa Food Bazaar sa Morong Discovery Park, na dating Bataan Technology Park nitong huling tatlong araw ng Marso, 2026.

Ayon kay Mayor Leila linao-Muñoz, siniguro nila na ang mga panauhin, bisita man o turista, ay mararanasan ang makulay na kultura, pagkain at alaala sa hapag kainan sa kanilang isinagawang Food Bazaar. Pami-pamilya, magbabarkada, magkakaibigan, lahat ay masayang binalikan ang mayamang kasaysayan ng lugar habang ninanamnam ang orihinal na pagkaing-Morong.

Upang mapabilis at maging maginhawa ang biyahe ng mga magsisipunta ay naglaan ang Pamahalaang Bayan ng Morong ng free shuttle bus na ipinarada sa harap ng kanilang Tourism Office, kung saan ay makikita rin ang mga oras ng biyahe papunta at pabalik sa poblacion ng Morong.

Ayon pa kay Mayor Leila, ang nasabing pasilidad ay kasalukuyang sumasailalim sa malawakang pagpapaunlad ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ayon kay BCDA OIC Senior Vice Pres. Engr.Mark Torres, layon ng BCDA na gawin itong Tourism Hub, at lugar para sa mga seasonal events, cultural nights, fun run at iba pang programa.

The post Food Bazaar sa Morong Discovery Park appeared first on 1Bataan.

Previous PDRRMC, tinalakay ang mga hamong kinakaharap ng bansa

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.