Gabay sa pamimili ng school supplies

Philippine Standard Time:
blank

Gabay sa pamimili ng school supplies

Kasabay sa pagbubukas ng klase ay ang paglulunsad ng Dept. of Trade and Industry (DTI) Bataan sa pangunguna ni Prov’l Director Eileen Ocampo at G. Gerry B. Santos, head ng Consumer Protection Division ng kanilang programang, “Diskarte sa back-to -school: Gabay sa Pamimili ng School Supplies, na malaking tulong sa mga mamamayan upang maging mapanuri at matalinong mamimili.

Ayon kay PD Eileen Ocampo, dalawang buwan bago magpasukan ay aktibo na ang mga taga DTI-Bataan sa lahat ng mga pamilihan, maging sa mga mall para tingnan kung mayroong lumalabag sa suggested retail price o SRP, partikular na sa mga presyo ng school supplies at basic commodities, lalo na nang ideklara ang “State of Calamity” sa Bataan dahil sa epekto ng bagyong Carina at ng oil spill.

Ipinaliwanag ni G. Gerry Santos, na bukod sa may sapat tayong supply ng mga gamit sa paaralan at mga pangunahing pangangailangan sa pagkain ay, wala umanong naging pagbabago sa presyo sa school supplies at maging sa “frozen prices” dito sa ating lalawigan, at sila ay mandated na magsagawa pa ng 60 days monitoring matapos ang deklarasyon ng State of Calamity.

Idinagdag pa ni PD Ocampo na ang DTI- Bataan ay nagkaroon ng Memorandum of Understanding sa SM City Bataan para magkaroon ng HELP desk sa nasabing mall para matulungan ang ating mga SME’s na mabigyan ng tulong ang naapektuhan ng bagyong Carina, na itutuloy nila sa pagkakaroon ng Business Continuity Plan para matulungan ang ating mga entreprenuers na mapababa ang risks kapag may kalamidad gayundin mapabilis ang pagbangon nila sa takbo ng kanilang negosyo.

The post Gabay sa pamimili ng school supplies appeared first on 1Bataan.

Previous Blood donors, binigyan ng pagkilala

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.