
“Naninindigan tayo na ang tunay na pag-unlad ng bayan ng Bagac ay makakamit kung ang bawat Bagakenyo, anumang kasarian ay may pantay na pagkakataong umunlad at makilahok sa paghubog ng ating bayan”, ito ang malinaw na mensahe ni Mayor Ron Del Rosario sa katatapos na Gender and Development (GAD) Planning para sa taong 2027.
Sinabi pa nang masipag at mahusay na Mayor na ang GAD ay hindi lamang programa ng pamahalaan kundi isang pangmatagalang adhikain para matiyak na ang bawat mamamayan ay may boses, may oportunidad at proteksyon sa lipunan, sa sama-samang pagpaplano at pagkilos ng iba’t ibang tanggapan sa pagsusulong ng mga inisyatiba na nagtataguyod ng inklusibo, makatarungan at makataong pamamahala.
The post GAD ginanap sa bayan ng Bagac appeared first on 1Bataan.