Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Ikalawang tranche ng dagdag sahod sa Gitnang Luzon, epektibo sa Abril 16

Ikalawang tranche ng dagdag sahod sa Gitnang Luzon, epektibo sa Abril 16

Magsisimula sa Abril 16, 2026 ang ikalawang tranche ng Wage Order No. RBIII-26 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board III (RTWPB 3), na magdadagdag ng ₱30 hanggang ₱40 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Central Luzon.

 

Ayon sa wage order, kabuuang ₱50 hanggang ₱80 ang umento na ipinatutupad sa dalawang bahagi. Naipatupad na ang unang tranche na may ₱20 hanggang ₱40 dagdag-sahod noong Oktubre 30, 2025, habang ang nalalabing dagdag na ₱30 hanggang ₱40 ay ipatutupad ngayong Abril 16, 2026.

 

Sa ilalim ng bagong rate, tataas sa ₱600 mula ₱570 ang sahod sa non-agriculture sector sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales; ₱570 mula ₱540 sa agriculture; at ₱590 mula ₱560 sa retail at service sector. Sa Aurora naman, magiging ₱560 mula ₱530 ang non-agriculture, ₱545 mula ₱515 ang agriculture, at ₱515 mula ₱475 ang retail at service sector matapos ang ipatutupad na dagdag-sahod.

The post Ikalawang tranche ng dagdag sahod sa Gitnang Luzon, epektibo sa Abril 16 appeared first on 1Bataan.

Previous Mobile soils laboratory caravan to aid Abucay farmers
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.