Sa Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, binigyang-diin ni Cong. Gila Garcia ang isang mahalagang aspeto ng kasarinlan; ang Food Sovereignty o Kalayaan sa Pagkain, na kakayahan ng isang bansa na makapag-produce ng sapat at ligtas na pagkain para sa lahat ng mamamayan na hindi umaasa sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Cong. Gila na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa ating kasarinlan bilang isang bansa kundi ang kakayahan nito na matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Una, kailangang suportahan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda na itinuturing nating mga bayani ng agrikultura, sa pamamagitan mga makabagong kagamitan at teknolohiya, edukasyon at mga pagsasanay. Kailangan din nating isulong, ayon pa kay Cong Gila ang sustenableng pamamaraan sa kalikasan na pangunahing pinagkukunan ng pagkain, tungkulin umano natin na pangalagaan ito sa pamamagitan ng tamang pangangasiwa sa ating likas na yaman at pag iwas sa paggamit ng labis na kemikal para masiguro na mananatili pa ang ating mga likas yaman para sa mga susunod na henerasyon. Hinikayat ni Cong. Gila ang pagkonsumo sa mga lokal na produkto dahil hindi lamang natin sinusuportahan ang mga magsasaka kundi pinatitibay din natin ang ating ekonomiya. Sa huli, sinabi ni Cong. Gila na magtulungan tayo upang makamit ang tunay na kalayaan sa pagkain para sa bawat Pilipino, suportahan ang lokal, pahalagahan ang sariling atin at sama-samang pagyamanin ang ating likas na yaman, para sa isang masagana, malusog at makatarungang kinabukasan para sa lahat.
The post Kalayaan sa pagkain, sa Araw ng Kalayaan appeared first on 1Bataan.