Kabilang si Hussein P. Pangandaman, administrador at punong tagapagpaganap ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa mga inimbita ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para dumalo sa 5th State Conference on United Nations Convention Against Corruption (UNCAC). Kasama sa naturang okasyon si Malou L. Herrera, AFAB deputy administrator for support.
May temang, “Pagpapatibay ng Kultura ng Integridad sa Bagong Pilipinas,” ang pagtitipon ng mga pinuno ng korporasyon ng pamahalaan ay naglalayong maiangat ang antas ng kampanya ng pamahalaang-nasyonal laban sa katiwalian.
Ito rin ang nagsisilbing plataporma para mapag-usapan ang pagsasakatuparan ng UNCAC Treaty, mga panuntunan at pagsasaayos ng transparency, accountability at rule of law.
Isa rin sa mga naganap sa naturang okasyon ay ang pagpresenta ng Integrity Management Plan (IMP) sa pamamagitan ng Office of the President at Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (OD-ESLA).
The post Kampanya kontra kurapsyon pinaigting sa AFAB appeared first on 1Bataan.