Kampo Juan, binuksan na sa Bataan

Philippine Standard Time:

Kampo Juan, binuksan na sa Bataan

Isang water park resort ang binuksan sa bayan ng Dinalupihan, ang Kampo Juan Eco Adventure Park and Heritage Resort sa Barangay JC Payumo na pagmamay-ari ni dating 1st district of Bukidnon Congressman Neric Acosta.

Sa isang simpleng ribbon-cutting kasama sina Dinalupihan Vice Mayor Fer Manalili, Chief of Staff ni Cong Gila Garcia Sir Rolly Rojas, Punong Barangay Oliver Tan ay opisyal nang binuksan sa publiko ang resort na ayon pa kay Cong Neric Acosta, “it was in his honor’, na ang pangalang Kampo Juan ay para sa alaala at legasiya ng kanyang ama, who passed away last 2021, na isang scientist at agriculturist kung kaya’t ang Kampo Juan ay isang Eco Adventure Park and Heritage Resort na may dalawa nang sangay sa Bukidnon. At ngayon ayon kay Cong Neric ay hindi niya ito hinanap kundi tila itinadhana dahil kusang dumating bilang isang magandang oportunidad, ” there are things in life” na sadyang dumarating. Maganda umano ang lugar ng Kampo Juan sa bayan ng Dinalupihan, very strategic dahil malapit sa Subic, sa Clark, Olongapo, maging sa Mt. Samat at SCTX.

Nagpasalamat si Cong Neric sa pagdalo at pagsuporta ng pamahalaang lokal ng Dinalupihan, ng 3rd district sa pangunguna ni Cong Gila at maging ng mga opisyal ng bayan ng Hermosa. Napakaganda umano ng Bataan kung kaya’t ayon sa kanilang hashtag na GALA PILIPINAS, “Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin”ay balak pa umano nilang ikalat sa ibang bahagi ng bansa ang Kampo Juan, sa mga tanyag na lugar ng Bocnotan, Baguio, Boracay, Bohol at iba pa. Matatandaang si Cong Neric Acosta ay dating DENR Secretary sa gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

The post Kampo Juan, binuksan na sa Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Reuter dominates ICF Dragon Boat World Championship

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.