
Matagumpay na idinaos ang kick-off Ceremony ng Busog Lusog Talino Program at pagbabasbas ng ipinatayong Busog Lusog Talino (BLT) Kitchen model sa Dinalupihan Elementary School.
Ang programa, ayon kay Mayor Tong Santos, ay mula sa inisyatiba ng Jollibee Foundation kasama ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia, sa programang Bataan Healthy School Setting, Healthy lunch activities at Dept. of Education School-based feeding program na may layuning labanan ang malnutrisyon na isinakatuparan sa paglulunsad ng Central Kitchen model sa loob ng paaralan, kung saan iluluto, ihahanda at ihahain sa mga mag-aaral.
Sinabi pa ni Mayor Santos na, napakahalaga ng programang ito dahil matutugunan ang pangangailangan para sa sapat na nutrisyon ng mga mag aaral at mapabuti nito ang kanilang kalusugan.
Dumalo sa pagtitipon ang mga opisyal sa pangunguna ni Mayor Tong Santos, Jollibee Group Foundation President and Executive Director, Ma. Gisela Tiongson, Schools Division Superintendent Carolina Violets at ba pang mga opisyal.
The post Kick Off Ceremony ng Busog Lusog Talino Program sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.












