
Pinangunahan ni Gov. Joet Garcia ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Phil Councilors league-Bataan Chapter. Muling nahalal na Pangulo si Kon. Jovy Banzon ng Sangguniang Panlungsod ng Balanga.
Ang iba pang mga nahalal opisyal ay sina Kon. Marino Caguimbal bilang Vice Pres; Kon. Noli Soriano bilang Kalihim; Kon.Concepcion Santos bilang Ingat-yaman; Kon. Jose Gener Pascual bilang PRO at Kon. Angelito Rubia bilang Bus. Manager.
Provincial Federation Directors naman sina Kon. Reno Gatdula, Kon. John Harry Carreon, Kon. Marjun Bantay, Kon Armando Buñag, Kon Dennis Gochuico, Kon Katherine Maglaque, Kon Roy Samson at Kon. Christian Lawrence Manalaysay.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Gov. Joet na, magsilbi nawa silang mga huwaran sa pagtataguyod nang tapat at makabuluhang serbisyo para sa mga mamamayan.
Nakasama rin sa nasabing eleksyon sina PCL National Vice Chairman, Atty. Banjamin Abalos III, Cong. TonyBoy Roman, Cong. Jett Nisay, Chief of Staff Rolly Rojas bilang kinatawan ni Cong. Gila, Vice Gov. Cris Garcia at DILG Bataan Provincial Director Belina Herman.
The post Kon. Jovy Banzon muling nahalal sa PCL- Bataan appeared first on 1Bataan.












