
Masayang ibinalita ni Congresswoman Gila Garcia na nakakuha ng 4-Star rating mula sa Department of Tourism (DOT) ang La Jolla Hotel and Beach Resort sa isinagawang komprehensibong pagsusuri ng nasabing ahensya noong 2025.
Base sa ulat ng DOT, kasama sa mga pamantayan ay ang mataas na kalidad ng serbisyo, kumpletong pasilidad, malawak at de-kalidad na mga kwarto, kaginhawaan at seguridad para sa mga bisita, propesyonal, mabilis at magalang na mga staff, pati na rin ang magandang lokasyon, malinis at ligtas na dalampasigan para sa mga turista.
Ang La Jolla Hotel and Beach Resort ay may 108 well-appointed guest rooms, tatlong malalaking swimming pools, anim na restaurants at mga extreme outdoor activities.
The post La Jolla Hotel and Beach Resort, nakamit 4-Star Rating mula sa DOT appeared first on 1Bataan.












