
Nakipagpulong si Mayor Tong Santos ng Dinalupihan kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Eduardo Jose Aliño noong, ika-28 ng Agosto upang talakayin ang koordinasyon kaugnay ng SBMA gate sa Barangay Bangal.
Kasama sa pagpupulong sina 3rd District Chief of Staff Rollie Rojas at Engr. Diosdado Santos Jr. na kumatawan kay Third District Rep. Gila Garcia.
Layunin ng dayalogo ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at SBMA para sa mas maayos na implementasyon ng mga proyekto at serbisyo sa naturang lugar.
Ayon kay Mayor Santos, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa SBMA upang matiyak ang kaayusan at seguridad, gayundin ang kapakinabangan ng mga residente ng Dinalupihan lalo na sa Barangay Bangal.
The post LGU Dinalupihan at SBMA nagpulong ukol sa Bangal Gate appeared first on 1Bataan.












