
Sinimulan na ang libreng konsultasyon at screening para sa mamamayan ng Hermosa na nais magpatingin sa kalagayan ng kanilang mga mata sa kanilang Super RHU sa Brgy. Mandama.
Binisita ni Mayor Anne Inton ang nasabing konsultasyon para masiguro na nabibigyan ng tamang serbisyo ang kanyang mga kababayan at kumustahin ang mga pasyente.
Sinabi pa ni Mayora Anne na mahalaga ang pangangalaga sa ating mga mga mata bukod pa sa napakamahal na pagpapatingin nito sa pribadong opthalmologist kung kaya’t isa ito sa binigyan niya ng prayoridad na serbisyo para sa kanyang mga kababayan lalo na ang mga senior citizens.
Sa mga nais makapag-patingin dito para sa libreng check-up at screening, pumunta lamang sa kanilang Super RHU sa Brgy. Mandama tuwing Huwebes mula ika-8 ng umaga hanggang hapon depende sa dami ng pasyente na pinamamahalaan ng Eyecare Medical Group.
The post Libreng konsulta sa mata sa RHU Hermosa appeared first on 1Bataan.