Sa patuloy na pagsusulong ng serbisyong may malasakit, buong pusong handog ni Mayora Leila Linao-Muñoz sa kanyang mga kababayan, ang Indigent Burial Assistance program, upang mabigyan nang marangal na libingan ang mga yumaong mahal sa buhay ng mahihirap na pamilya sa Morong.
Ayon kay Mayora Leila, sa ngayon ang nasabing programa ay limitado sa 300 slots lamang kung kaya’t ipatutupad nila ang “first come first serve basis”. Niliwanag din ni Mayora na sa programang ito, hindi kabilang ang kabaong, memorial service at iba pang serbisyo na may kaugnayan sa libing.
Upang maka-avail ng nasabing tulong ang isang mahirap na namatayan, (1) kailangang kumuha ng certificate of indigency sa barangay, (2) isumite ang nasabing dokumento kasabay ang application form sa MSWDO, (3) dadaan ito sa screening committee, (4) Paaaprubahan sa Morong Cemetery Board (MCB), (5) magbabayad ng minimal na maintenance fee at panghuli, pa- iskedyul ng libing.
Personal na binisita ni Mayor Leila kasama si Vice Mayor Charmaine Garcia-Sibug, konsehala Cathy Vicedo, ang nasabing apartment-type burial section para siguruhin ang kalinisan nito para sa nalalapit na inagurasyon para opisyal nang simulan ang nasabing programa.
The post Libreng libingan sa mahihirap na taga Morong appeared first on 1Bataan.