Inilunsad ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Limay ang Limay Pawikan Hatchery sa Barangay Kitang Dos, isang proyektong naglalayong protektahan at mapanatili ang populasyon ng pawikan sa baybayin ng nasabing bayan.
Ang inisyatiba ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Bataan Provincial Government, Petron Foundation Inc., at mga barangay Kitang Dos at Luz. Ayon kay Mayor Richie David, ang hatchery ay magsisilbing ligtas na lugar para sa mga itlog ng pawikan, kung saan ito ay maingat na inaalagaan hanggang sa mapanumbalik ang mga inakay sa dagat.
Bukod sa konserbasyon ng mga endangered sea turtles, layunin din ng proyekto na palakasin ang pakikiisa ng lokal na komunidad, kabilang ang mga mangingisda at volunteers, sa pangangalaga ng likas na yaman.
Patuloy na hinihikayat ng pamahalaang bayan ang suporta ng publiko sa naturang programa upang mapanatili ang balanseng ekosistema at maprotektahan ang likas na kagandahan ng Limay para sa susunod na henerasyon.
The post Limay Pawikan Hatchery, inilunsad appeared first on 1Bataan.