Ito ang magandang bahagi ng mensahe ni Ms. Angela Litton-Falcon, Manager ng RiverForest Development Corporation, ang opisina na namamahala sa mga lupain ng Litton sa nasabing barangay.
Lubos nilang napaligaya ang lahat ng mga pamilyang dumalo, nang ipaliwanag na inaayos na ng Litton Corporation ang mga Deeds of Donation para sa lahat ng residente na nakikiisa sa inihahanda nilang kaunlaran sa nasabing barangay. Ayon pa kay Ms. Angela Litton-Falcon, kung walang magiging problema sa pag aayos ng mga deeds of donation ay magkakaroon na ng lagdaan at pamamahagi ng pagmamay ari ng lupa sa mga residente sa unang quarter ng taong 2025.
Nilinaw naman ni RDC Administrator Ms Chricel Sacdalan-Bartolome, na bagama’t napakaganda ng balitang hatid ni Ms Angela Litton-Falcon, ay nalulungkot pa rin umano ang RDC na mayroon pa ring ilang sumasalungat sa mga planong pag unlad dito, subali’t ang nakatutuwa ay mas marami na sila ngayong kapanalig, na nakikiisa, na yumayakap sa katotohanan at nauunawaan ang layunin sa paparating na pag unlad ng kanilang barangay.
Isa umano ang Pasasalamat 2024 sa may pinaka maraming dumalong mga pamilya at residente ng bgy Sumalo, Na sa kanilang pag uwi, hindi lamang bitbit nila ang napakaraming regalong handog ng RDC at iba pang sponsors, higit bitbit din nila ang pag asa sa katuparan ng kanilang pangarap, na ngayon ay magiging pagmamay ari na nila ang lupang kanilang kinatitirikan.
The post Lupa sa Brgy. Sumalo, ipamamahagi na ngayong 2025 appeared first on 1Bataan.