
Humigit-kumulang sa 200 magsasaka at mangingisda ang sumailalim sa Farmers and Fisherfolk Development Information System (FFEDIS) orientation seminar sa Morong, Bataan upang palakasin ang lokal na negosyo sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa naturang bayan.
Ang FFEDIS orientation na ginanap sa pagtutulungan ng Department of Agriculture at pamahalaang-bayan ng Morong ay naglalayon ding makapagbigay ng serbisyo at benepisyo sa sektor ng magsasaka at mangingisda mula sa DA.
Kung rehistrado na ang mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng database ay mapapadali ang pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa mga programa ng pamahalaan.
Mapabibilis din ang pakikipag-ugnayan ng mga magsasaka at mangingisda sa market linkage o sa mga nais bumili ng produkto ng sektor. Inaasahan ng DA na pagkatapos ng FFEDIS orientation unti-unti nang mapauunlad ang kabuhayan ng naturang sektor.
The post Magsasaka, mangingisda ng Morong sumailalim sa orientasyon appeared first on 1Bataan.