Tinanghal na kampeon ang bayan ng Mariveles sa katatapos na Sand Sculpture Contest sa Pawikan Festival nitong nakaraang linggo, na may temang “KAbataan Kabalikat sa Pangangalaga ng Pawikan” na ginanap sa Pawikan Conservation Center sa bayan ng Morong.
Ang magagaling na artists na sumali sa nasabing contest ay kinabibilangan nina, Arwin O. Mira, Alfred Per Mendoza, Jose Gabriel Aclado at Ryan John Matia-Ong.
Nagpasalamat si Mayor AJ Concepcion sa mga artists sa pagdadala ng karangalan sa bayan ng Mariveles na aniya ay tunay na hindi matatawaran ang mga katangian. Dagdag pa ni Mayor AJ Concepcion na patuloy nilang susuportahan ang Pawikan Festival hindi lamang sa mga pa- contest kundi lalo na sa tunay na layunin na pangalagaan ang ating mga pawikan.
The post Mariveles, kampeon sa Sand Sculpture Contest appeared first on 1Bataan.