
Tumanggap ng karangalan ang Bayan ng Mariveles matapos itong kilalanin bilang Most Outstanding Municipal Nutrition Committee sa isinagawang regional evaluation kamakailan.
Kaugnay ng parangal, pinarangalan din si Ma. Thea R. Dondonayos bilang Most Outstanding Municipal Nutrition Action Officer, habang si Jennelyn Abon naman ay napabilang sa mga finalist at nagtamo ng ikatlong puwesto sa pagsusulit para sa labing-isang Barangay Nutrition Scholars (BNS) na may pinakamataas na score.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, ang natamong tagumpay na ito ng pamahalaang bayan ay patunay ng epektibong pagtutulungan at malasakit para sa kalusugan at nutrisyon ng bawat Mariveleño. Nagpasalamat din ang lokal na pamahalaan sa lahat ng kasapi ng Municipal Nutrition Committee na siyang nagtaguyod ng mga programang pangkalusugan sa bayan.
The post Mariveles, Most Outstanding Municipal Nutrition Committee appeared first on 1Bataan.












