Muling hahataw ang grupo ng Mariveles Alliance Youth o MAYA sa kanilang darating na proyektong “MAYANIHAN”, kung saan bawat Sabado sa buwan ng Hulyo (2025) sila ay bibisita sa bawat barangay. Kada Sabado ay may ipakikilala silang bagong kaibigan para makisaya sa mga bata at kabataan, kaya abangan ang kanilang pagbisita sa mga barangay.
Ang MAYA ( Mariveles Alliance Youth) ay isang aktibong grupo ng mga kabataan sa nasabing bayan na nakapagdaos na ng mga programang gaya ng Gender Development, Leadership Training, Disaster Risk Reduction Management at iba na may layuning mapabuti ang kalagayan ng mga bata at kabataan sa Mariveles.
Katulong ang Municipal Council for the Protection of Children ay nagkaroon sila ng seminar na, may temang “Educate and Motivate: Be an Advocate”, kung saan habang pinagtitibay ang relasyon ng mga magulang at anak, ay tinuturuan sila na maging responsable sa paggamit ng teknolohiya.
Tuluy-tuloy ang adhikain ng MAYA na bumuo ng isang Digital Safe Mariveles- One parent, One family, One barangay at a time.
The post MAYANIHAN sa bayan ng Mariveles appeared first on 1Bataan.