Mga empleyado ng Bagac LGU, sumailalim sa sorpresang drug test

Philippine Standard Time:

Mga empleyado ng Bagac LGU, sumailalim sa sorpresang drug test

Sa patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, maayos at disiplinadong pamahalaan, isang sopresang drug test ang isinagawa sa munisipyo ng bayan ng Bagac na nilahukan ng lahat ng mga empleyado, job order at regular, mga department heads at maging mga miyembro ng Sanguniang Bayan ng Bagac.

Ayon kay Mayor Ron del Rosario, ang hakbang na ito ay patunay nang matibay na paninindigan para sa isang malinis, tapat at mapagkakatiwalaang pamahalaan na nagseserbisyo sa bayan.

Dagdag pa ni Mayor del Rosario, patuloy niyang itataguyod ang integridad at pananagutan sa bawat antas ng kanyang pamamahala para sa ikabubuti ng kanilang bayan at mga mamamayan.

Hiniling ni Mayor Ron del Rosario sa lahat ang pakikiisa at panatilihin ang pagiging huwaran at mabuting empleyado gayundin ang maayos na pamamahala nang lahat ng opisyal sa  Pamahalaang Bayan ng Bagac.

The post Mga empleyado ng Bagac LGU, sumailalim sa sorpresang drug test appeared first on 1Bataan.

Previous BIR-Bataan muling nagsagawa ng kampanya sa pagbabayad ng buwis

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.