Mga manggagawa, pundasyon ng tagumpay ng Freeport — AFAB

Philippine Standard Time:

Mga manggagawa, pundasyon ng tagumpay ng Freeport — AFAB

Kinilala ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang mga manggagawa bilang pangunahing puwersa sa tagumpay ng Freeport, kasabay ng patuloy na pagpapaunlad ng ecozone at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa mga manggagawa.

 

Ayon sa AFAB, ang mga hakbang na ito ay naglalayong suportahan ang paglago ng mga negosyo, mapanatili ang katatagan ng trabaho, at palawakin pa ang oportunidad sa hanapbuhay sa loob ng Freeport.

 

Binigyang-diin din ng ahensya ang pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa, partikular sa seguridad sa trabaho sa pamamagitan ng regularisasyon. Sa pagtatapos ng 2025, umabot sa 24,259 ang bilang ng mga regular na empleyado sa Freeport, na kumakatawan sa 67.5 porsyento ng kabuuang lakas-paggawa.

 

 

Malaki rin ang naiaambag ng paglago ng empleyo sa mga karatig-lugar, lalo na sa Bataan. Batay sa datos ng AFAB, 84.77 porsyento ng mga manggagawa noong 2025 ay nagmula sa loob ng lalawigan, kung saan 77.53 porsyento ay residente ng Mariveles. Samantala, tumaas sa 15.23 porsyento ang bilang ng mga manggagawang mula sa labas ng Bataan, mula sa 7.18 porsyento noong nakaraang taon.

 

Nananatiling pinakamalaking sektor ang mga industrial workers na may 20,615 empleyado o 57.36 porsyento ng kabuuang lakas-paggawa, mas mataas kumpara sa naitalang 52.15 porsyento noong nakaraang taon.

 

Sa usapin naman ng kasanayan, nananatiling production-based ang karamihan ng lakas-paggawa, na may 79.8 porsyento ng mga empleyado na nasa production-related roles, ayon sa pinakahuling FAB Data Report ng AFAB.

The post Mga manggagawa, pundasyon ng tagumpay ng Freeport — AFAB appeared first on 1Bataan.

Previous Enhanced Cadena Bill expands transparency in government finances

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.