
Tinutuklas ng isang delegasyon mula Taiwan ang mga bagong oportunidad sa pamumuhunan sa Subic Bay Freeport kasunod ng kanilang courtesy visit sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kamakailan.
Tinanggap ni SBMA Chairman at Administrator Eduardo Jose Aliño ang delegasyon na inorganisa ng Subic Bay Taiwan Chamber of Commerce sa pamumuno ng pangulo nitong si Best Chang upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang panig.
Pinamunuan ni G. Lin Cheng Hung ng Seiko ang delegasyon na naglalayong mas maunawaan ang investment framework ng SBMA at tukuyin ang mga posibleng pamumuhunan sa logistics at manufacturing.
Ayon sa SBMA, nananatiling matatag ang pamumuhunang Taiwanese sa Subic Bay Freeport, na nakatuon sa manufacturing, logistics, at mga umuusbong na high-tech sectors sa ilalim ng Taiwan-Philippines Economic Corridor initiative.
The post Mga negosyanteng Taiwanese, target ang bagong pamumuhunan sa Subic Freeport appeared first on 1Bataan.












