
Ibinahagi ni Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) Administrator at CEO Hussein P. Pangandaman na hindi lamang insentibo ang nagbibigay ng lakas sa isang economic zone, kundi ang mga konkretong proyektong nakatuon sa pangmatagalang pag-unlad. Inilahad niya ito sa Arangkada Investment Forum 2025 na ginaganap sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City ngayong ika-25 at 26 ng Setyembre.
Ayon kay Pangandaman, tampok sa plano ng AFAB ang mga nakalinyang proyekto na magpapatibay sa papel ng Freeport Area of Bataan (FAB) bilang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan. Kasabay nito, binigyang-diin niya na ang mga proyektong ito ay dinisenyo upang gawing masigla at inklusibong komunidad ang FAB na tunay na nakikinabang ang mga mamamayan.
Sa loob ng mahigit isang dekada, nagsilbing mahalagang plataporma ang Arangkada Philippines Forum para sa mga policymaker, business leader, at investor. Dito tinalakay ang mga oportunidad, regulasyon, at estratehiya na magpapatatag sa klima ng pamumuhunan at kaunlaran ng bansa.
The post Mga Proyekto ng AFAB, Itatampok sa Arangkada Forum 2025 appeared first on 1Bataan.












