Tiyak na matutuwa ang marami nating kababayan na naghahanap ng trabaho. Eto na ang sagot sa katuparan ng kanilang mga pangarap, ang kailangan lamang ay dumalo sila sa gaganaping Job Fair sa bayan ng Pilar, ngayon araw ika-9 ng Oktubre, 2024, mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Ang nasabing job fair ay kaugnay pa rin ng Kasinagan Festival para sa kapistahan ng Patrong Nuestra Señora del Pilar, na gaganapin sa Municipal Covered Court.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, mapalad ang Pilar dahil maraming overseas employers/agencies na nangangailangan ng mga skilled workers para sa mga bansang Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Kuwait, United Arab Emirates, Japan, United States at Germany ang makikilahok sa kanilang job fair.
Kalahok din ang mga ahensyang ASMACS Recruitment Services Inc., Gulf Asia International, 1st Northern International Placement Inc. at marami pang iba na nangangailanan ng mga kwalipikadong Bataeño na pwedeng maging mga waiter, waitress, kitchen helper, assistant mechanic, massage therapist, electrician, mason, painter plumber, nurses at marami pang iba. Nilinaw din ni Mayor Charlie Pizarro na welcome rin ang mga walk-in applicants.The post Mga trabaho sa labas ng bansa, patok sa Kasinagan Job Fair 2024 appeared first on 1Bataan.