MOU para sa pabahay sa ilalim ng 4PH

Philippine Standard Time:

MOU para sa pabahay sa ilalim ng 4PH

Pasisimulan na ang pagtatayo ng mga pabahay sa bayan ng Mariveles matapos ang paglagda sa isang Memorandun of Understanding (MOU) para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program.

Ang unawaang ito sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang lokal ng Mariveles, Ikatlong Distrito ng Lalawigan, Bataan Baseco Joint Venture, Inc (BBJVI), Hongheng Group, China Construction, Front General Development Corporation (CCFG) ay para sa proyektong pabahay sa mga barangay ng Alas asin at Sisiman sa bayan ng Mariveles.

Ayon kay Gov. Joet Garcia, malaking kagalakan ang proyektong ito sa ating mga kababayan na magkaroon ng sariling tahanan sa isang kumpletong komunindad. Ayon pa kay Gov. Joet, lalo pang pagsisikapan ng Pamahalaang Panlalawigan na maitaas pa ang kalidad ng pamumuhay ng ating mga pamilyang Bataeno.

Samantala sa panayam kay Vice Mayor Lito Rubia, OIC- Mayor ng Mariveles, sa pamamagitan ng proyektong ito, mawawala na ang isyu ng demolisyon dahil may mga nakalaan nang pabahay sa mga pamilyang nais magkaroon ng sarili at disenteng tahanan. Nanguna din sa nasabing gawain si Cong. Gila Garcia, kasama sina Vice Gov. Cris Garcia, BBJVI Pres. Atty Joey Angeles, BBJVI Exec. Vice Pres. Edgardo Ruiz, BHSO Head Chris Leonzon at mga opisyal ng Hongheng Group Founder at Chairman Zheng Hengwei at CCFG Gen. Manager Yang Hanci.

The post MOU para sa pabahay sa ilalim ng 4PH appeared first on 1Bataan.

Previous DPWH completes P47.04-M flood control project in Orani

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.