
Bilang pagkilala sa tapat at masigasig na paglilingkod, ginawaran ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang mga natatanging pulis ng Dinalupihan Municipal Police Station (MPS), Bataan Police Provincial Office (PPO) sa isang seremonya nitong Huwebes, ika-14 ng Agosto, sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Dinalupihan.
Kabilang sa mga tumanggap ng parangal sina PEMS Juliver Punzalan (Gawad Bayani ng Kaayusan), PSMS Hazel Rose Estillore (Gawad Lingkod Bayan), PCPT Edison Bartolome Jr. (Gawad Matatag), at PCpl Harley Dell Razon (Gawad Masigasig). Ginawaran din ng Certificate of Appreciation si dating ABC President Hon. Aurelio Cruz bilang pagkilala sa kanyang mahalagang kontribusyon sa PLEB.
Pinangunahan ang seremonya ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Noli Soriano, Hon. Ruben Julongbayan, Hon. Jaklyn Hanna De Villa, JD, Hon. Ma. Fe Teresa Peñaflor, PhD, at Hon. Carmen Sandoval, DMD, kasama si PLTCOL Marcelino Teloza, hepe ng Dinalupihan MPS.
The post Natatanging pulis sa Dinalupihan, pinarangalan appeared first on 1Bataan.












