Bagama’t halos dalawang linggo na ang nakalilipas matapos ilunsad ang Bb. Bataan 2024, ay usap-usapan pa rin hanggang sa ngayon ang napakagandang programa na ginanap sa Plaza Antonino sa bayan ng Orani. Pinupuri nila ang pamunuan ng Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Danica Tigas.
Ayon sa aming mga nakapanayam, nasasabik na silang malaman ang resulta ng, “Darling of the Press” at iba pang kategorya na mapananalunan ng mga kandidata lalo na umano kung sino ang tatanghaling Bb. Bataan 2024.
Sinabi pa ng mga nakapanood na ibang iba ang ipinamalas ng mga kandidata ng Bb. Bataan 2024, hindi lamang sa mga angking kagandahan kundi sa paraan ng pagsagot sa mahihirap na tanong ng media.
Sa programa ay binigyang-diin ni Bokal Atty. Tonyboy Roman ang sa ngayo’y pantay na kakayahan ng lalaki at babae, “if a man can do it, a woman can do it better”. Samantalang ayon naman kay Congresswoman Geraldine Roman, isa sa mag-sponsor ng event, na ang lahat ng mga Kinatawan sa Kongreso ng lalawigan ay nagkakaisa sa pag- unlad ng lalawigan, binabati niya kung sino man ang magwawagi sa mga kandidata.
Kasabay na inilunsad nang gabing iyon ang theme song ng Bb. Bataan, at sa masayang himig nito ay isa- isang binigyan ng sash at bouquet ang mga kandidata ng kani-kanilang mga opisyal ng bayan at tourism officer.
Kasama rin ang mga importanteng opisyal ng BPTCFI, ang Chairperson, si Mam Isabel Garcia, nandon din si Madam Vicky Garcia, Cong’woman Gila Garcia, Vice Gov.Cris Garcia at mga opisyal ng bawat bayan.
The post Netizens inaabangan ang mananalong Bb. Bataan 2024 appeared first on 1Bataan.