Nitong ika-28 ng Hulyo, pormal nang nanumpa sa tungkulin ang bagong miyembro ng Sangguniang Bayan ng Morong na si Kgg. Shirly Recom batay sa ipinatutupad na batas na Indigenous Peoples Mandatory Representative.
Ayon kay Mayor Leila Muñoz, ang pagkakatalaga kay Kgg. Recom ay isang makabuluhang hakbang tungo sa tunay na pagkilala, pakikiisa at pagbibigay boses sa mga katutubo sa relasyon ng Pamahalaang Bayan at komunidad.
Ito umano ay simbolo ng pagkakapantay-pantay, ayon pa kay Mayor Leila, at paggalang sa mayamang kultura at karapatan ng mga katutubo, na magdadala ng pag-asa para sa mas inklusibo at makataong pamumuno sa bayan.
The post Opisyal na pagkilala sa kinatawan ng mga katutubo sa Morong appeared first on 1Bataan.