Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

PAFFP, naghatid ng tulong sa mga magsasaka sa Unang Distrito ng Bataan

PAFFP, naghatid ng tulong sa mga magsasaka sa Unang Distrito ng Bataan

Nasa 2,346 na magsasaka mula sa mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, at Abucay ang nakatanggap ng agarang tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP), ayon kay Bataan First District Rep. Tony Roman III.

Sinabi ni Roman na layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at mapalakas ang kanilang kabuhayan sa gitna ng patuloy na hamon sa sektor ng agrikultura. Ang pondo ay bahagi ng ayuda mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagpasalamat naman ang kongresista sa Department of Agriculture Region III, Office of the Provincial Agriculturist, at sa mga lokal na pamahalaan ng apat na bayan para sa pagtutulungan upang matagumpay na maipatupad ang programa para sa mga benepisyaryo.

The post PAFFP, naghatid ng tulong sa mga magsasaka sa Unang Distrito ng Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Proposed aquaculture project sa Bataan, tinalakay sa pulong ng BBJVI
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.