Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Pagdiriwang ng Orani Foundation Day, kanselado

Pagdiriwang ng Orani Foundation Day, kanselado

Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ng Orani sa pamumuno ni Mayor Antonio “Jon” F. Arizapa na hindi na matutuloy ang pagdiriwang ng Orani Foundation Day alinsunod sa kasalukuyang pambansang sitwasyon, payo ng pambansang pamahalaan, at bisa ng Executive Order No. 32.

 

Ayon sa opisyal na pahayag, bagama’t nakahanda na ang mga plano para sa selebrasyon, minabuti ng pamahalaang lokal na unahin ang kapakanan ng mamamayan at tiyaking magagamit ang pondo sa mas mahahalagang pangangailangan ng komunidad.

 

Sa halip na selebrasyon, ilalaan ang pondo sa pagbibigay ng subsidiya sa mga miyembro ng TODA at iba pang apektadong sektor ng transportasyon, gayundin sa pamamahagi ng school supplies, bag, at tumbler sa lahat ng mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan, upang makatulong sa paghahanda ng mga pamilya sa nalalapit na pasukan.

 

Sa kabila ng kanselasyon, tiniyak ng pamahalaang lokal na nananatili ang kanilang pangakong maglingkod at umaasang muling makapagdiriwang ang komunidad sa tamang panahon.

The post Pagdiriwang ng Orani Foundation Day, kanselado appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan, pinaigting ang mga programa laban sa epekto ng taas-presyo at global na krisis
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.