Patuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill at mga nagdaang bagyo sa Bataan. Ayon sa ulat ni Gobernador Joet Garcia, umabot na sa 36,000 food packs ang naipamahagi sa mga residente ng Bataan na naapektuhan ng oil spill, habagat, at bagyong Carina.
Nakapagpamahagi ang lokal na pamahalaan ng 10,000 food packs sa mga mangingisda at pamilyang apektado ng oil spill sa Limay at Mariveles. Samantala, 26,000 food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa iba’t ibang barangay sa lalawigan. Patuloy pa rin ang distribusyon ng food packs sa mga apektadong bayan, at tiniyak ng pamahalaan na magpapatuloy ang pagtulong sa mga residente habang nasa ilalim ng State of Calamity ang Bataan.
The post Pamamahagi ng tulong nagpapatuloy appeared first on 1Bataan.