
Inihain ni Bataan 1st District Rep. Tony Roman III ang House Bill No. 4932 o Flexible Hospital Bed Capacity Act na naglalayong mapabilis ang pagdaragdag ng authorized bed capacity ng mga pampublikong ospital sa oras na kinakailangan.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang Department of Health (DOH) na aprubahan ang pagpapalawak ng bed capacity ng mga pampublikong ospital nang hindi na kinakailangang magpasa ng hiwalay na batas para sa bawat expansion.
Ayon kay Rep. Roman, makatutulong ito upang mabawasan ang pagsisikip sa mga ospital at mapabilis ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga pasyente.
Nilinaw naman ng mambabatas na may nakapaloob na mga safeguard sa panukala upang matiyak ang sapat na pondo, pasilidad, at bilang ng healthcare workers. Aniya, layunin ng panukalang batas na maging mas handa ang mga ospital at mas mabilis ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.
The post PANUKALANG BATAS PARA SA MAS MARAMING HOSPITAL BEDS, INIHAIN SA KAMARA appeared first on 1Bataan.