PDRRMC, tinalakay ang mga hamong kinakaharap ng bansa

Philippine Standard Time:

PDRRMC, tinalakay ang mga hamong kinakaharap ng bansa

Sa pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia, na ginanap sa Bataan Tourism Pavillon, iniulat ng iba’t-ibang ahensya ang epekto  ng kasalukuyang sitwasyon sa agrikultura, negosyo, paggawa, transportasyon at presyo ng mga bilihin kugnay nang pagtaas ng presyo ng langis.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan, inilatag ang mga karampatang hakbang at programang  makatutulong  para maibsan ang mabigat na epekto nito sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa mga sektor na lubhang apektado.

Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng PDRRMO, PNP, BFP, MBDA, DPWH, PCG, Bataan READi App, Barangay Resilience Bingo Scorecard, Seismic Isolation Technology for Disaster Resilient at LDRRMO na kumilos nitong nakaraang Semana Santa para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa daan, gayundin mabilis na pagresponde sa mga insidente, lagay ng panahon at iba pang mga napapanahong isyu.

Nangako si Gob. Joet sa nasabing pulong na  patuloy na palalakasin ang kahandaan at pangangalagaan ang kapakanan ng mga Bataeño.

The post PDRRMC, tinalakay ang mga hamong kinakaharap ng bansa appeared first on 1Bataan.

Previous Bagac, Best Recreational Waterbody ng Region lll

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.