Labing apat (14) na American trainees na kabilang sa PEACE CORP Phil, ang nagbigay kurtisiya kay Mayor Ron del Rosario nitong ika-31 ng Hulyo, 2025, para sa kanilang assignment sa bayan ng Bagac.
Ayon kay Mayor del Rosario ang pagkakatalaga ng Peace Corp Trainees sa Bagac ay magandang pagkakataon para magbukas ng iba’t ibang oportunidad sa kanilang mga mamamayan.
Layunin umano ng mga trainees na magsagawa ng Education Training Program sa mga kabataan na mula Hulyo hanggang Setyembre ng taong ito. Sila ay maninirahan at makikisalamuha sa mga piling tahanan sa iba’t ibang barangay.
Malaking bagay din umano ang pagkakaroon ng Peace Corp trainees una ay para maunawaan nila ang ating kultura gayundin din tayo sa kanila, makapagbahagi sila ng kaalaman sa larangan ng edukasyon na malaki ang maitutulong sa pagpapalawak ng pananaw at karanasan ng ating mga kabataan.
Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na ang bayan ng Bagac ay napili na magkaroon ng mga Peace Corp trainees.
The post Peace Corp trainees, nagbigay-galang kay Mayor Ron del Rosario appeared first on 1Bataan.