Nanatiling matatag ang Petron Corporation sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang merkado matapos itong magtala ng net income na ₱5.3 bilyon para sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon sa kumpanya, nakamit ang kita sa kabila nang mas mababang presyo ng langis at pagbaba ng demand sa pandaigdigang merkado. Patuloy umanong isinulong ng Petron ang mas epektibong operasyon at cost management upang mapanatili ang positibong performance.
Isa ang Petron sa mga pangunahing kumpanya ng langis sa bansa at patuloy na nagsusulong ng mga inobasyon upang mapanatili ang paglago sa gitna ng pabagu-bagong takbo ng industriya.
The post Petron, kumita ng ₱5.3B sa kabila ng hamon sa merkado appeared first on 1Bataan.