Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Proposed aquaculture project sa Bataan, tinalakay sa pulong ng BBJVI

Proposed aquaculture project sa Bataan, tinalakay sa pulong ng BBJVI

Nagsagawa ng online meeting ang Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) kasama ang Moorfields Capital Pte. Ltd. upang talakayin ang mga posibleng proyektong pang-aquaculture na layuning palakasin ang food security sa lalawigan ng Bataan.

Ayon kay BBJVI President at CEO Jopet Inton, dumalo sa pulong sina Mr. Cha Hee Meng ng Moorfields Capital, kasama sina Mr. Ejay Salenga at Mr. Vincent Mangulabnan ng LGU Hermosa.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang proposed Solar-Fishpond Hybrid Project, isang makabagong inisyatibo na naglalayong pataasin ang produksyon sa aquaculture habang pinapababa ang gastusin sa enerhiya sa pamamagitan ng paggamit ng solar technology. Kasama rin sa plano ang solar panel installation at rehabilitasyon ng mga fishpond sa iba’t ibang bahagi ng Bataan.

Ayon pa Kay Inton, bahagi ang naturang proyekto ng mas malawak na hakbang upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga mangingisda at fishpond operators habang sinusuportahan ang pangmatagalang seguridad sa pagkain sa Bataan.

The post Proposed aquaculture project sa Bataan, tinalakay sa pulong ng BBJVI appeared first on 1Bataan.

Previous Youth Entrepreneurship Program workshop set at Limay Polytechnic College
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.