
Nakahandang tumulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda mula sa Ikalawa at Ikatlong Distrito ng Bataan upang mapadami ang huling isda at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Sinabi ni Rep. Gila Garcia ng Ikatlong Distrito ng Bataan, sa ginanap na BFAR FishCore Program Orientation kamakailan sa Atrium ng The Bunker na meron umanong nakalaang badyet ang BFAR para sa mga samahan ng mangingisda sa Bataan.
Ito ay kinumpirma ni G. Wilfredo Cruz, regional director ng BFAR, isa sa mga resource persons sa naturang okasyon, na meron namang grant para sa fishermen’s associations kung meron silang magandang proyekto.
Ayon pa kay Congresswoman Gila, mapauunlad ang kabuhayan ng “ating mandaragat kung merong supporta kagaya ng gamit-pangisda, fish port facilities, tamang pagsasanay mula sa BFAR at pakikipagtulungan ng LGUs.”
The post Rep. Gila Garcia, nakipagpulong sa mga mangingisda appeared first on 1Bataan.












