Sariling dialysis center mula sa pondo ng bayan

Philippine Standard Time:

Sariling dialysis center mula sa pondo ng bayan

“Ang pinakamimithi naming pasilidad para sa mga pasyente naming may end-stage renal disease ay nagsisimula na ang operasyon ngayon”, ito ang masayang pahayag ni Mayor Tong Santos sa halos magkasabay na pagbabasbas ng kanilang Senior Citizens Building at Dinalupihan Dialysis Center.

Ayon kay Mayor Santos ang bagong dialysis center ay may 10 dialysis machines na kayang magserbisyo sa 40 pasyente araw-araw na walang babayaran kahit singko, hatid-sundo mula sa kanilang tahanan na ang dapat lang gawin ay magpalista sa MSWD office para sila ay mai-schedule.

Sa paliwanag ni Mayor Santos noong una ay PPP ( Public- Private Partnership) sana ang nais nila sa Dialysis Center, pero nang mapag-alaman nilang, wala ngang babayaran ang mga pasyente ay wala ring magiging income ang LGU, nagsagawa sila ng ibang pag aaral, na kung sila ang magpapatayo ng nasabing proyekto, sa pinakamurang makukuha nila sa Philhealth na P1,700. kada pasyente, multiply mo sa 40 times 30 days, ito ay susuma ng 2, 040, 000. Na kahit pa umano ibawas ang kalahati para sa mga gastos, may kita pa silang 1milyon kada buwan, na pwede nilang ipambayad sa loan.

Sinabi pa ni Mayor Santos na mula sa ni-loan nilang 25Milyon ay 12Milyon lang umano ang nagastos nila sa konstruksyon ng building kasama na rito ang mga dialysis machines, kung kaya’t pinag aaralan nila na kung dapat pa nilang gastusin ang 13 Milyon para mag-extend pa ng building para sa 10 pang additional na dialysis machines.

Ayon naman kay Cong. Gila Garcia, pinag- uusapan nila ni Mayor Santos ang pagbili ng sasakyan para dagdag na transportation sa pagsundo-hatid sa mga pasyente gayundin mga libreng gamot para sa mga senior citizens at mga pasyente sa dialysis center. Ang Dinalupihan Dialysis Center ay ang kauna-unahang Dialysis Center sa lalawigan na mula sa pondo ng yunit pamahalaang lokal.

Samantala, natutuwa si Cong Gila na ang mga senior citizens ay may sarili nang gusali para may lugar na sila kapag may pulong at iba pa nilang gawain

The post Sariling dialysis center mula sa pondo ng bayan appeared first on 1Bataan.

Previous Kalayaan sa pagkain, sa Araw ng Kalayaan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.