
Bilang pagpapahalaga sa kanilang mga Senior Citizens partikular na sa 22 na edad 80 hanggang 89 at apat (4) naman na edad 90 hanggang 99, ang tumanggap ng monetary award, mula sa Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pangunguna ni Mayor Ace Jello Concepcion. Nakatuwang ng butihing Mayor ang Municipal Treasurer’s Office (MTO) at Municipal Social Welfare and Development Office(MSWDO), sa pamamahagi ng nasabing monetary award na ginanap sa munisipyo..
Naroon din sina Vice Mayor Jesse Concepcion, OSCA president Andrea Guttierez at mga kawani ng MTO at MSDO para personal na pasalamatan ang mga lolo at lola na naging mga haligi ng bayan, na ibinuhos ang kanilang kakayahan at talino noong kanilang kabataan para sa kaunlarang tinatamasa nilang lahat sa ngayon.
The post Senior Citizens ng Mariveles, tumanggap ng monetary award appeared first on 1Bataan.












