Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Serbisyong YAKAP ng Philhealth, umiikot na sa bayan ng Pilar

Serbisyong YAKAP ng Philhealth, umiikot na sa bayan ng Pilar

Patuloy ng umiikot ang mga kawani ng Pilar Rural Health Unit sa iba’t ibang barangay  sa bayan ng Pilar para ihatid ang Serbisyong YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) ng Philhealth gaya ng  YAKAP Registration, check-up at libreng gamot para sa mga mamamayan.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, hindi na kailangang lumayo ang mga tao dahil ang mismong RHU na ang lalapit sa mga mamamayan sa barangay upang masigurong ang bawat isa ay nahahatiran nang tamang serbisyo medikal.

Sinabi pa ni Mayor Charlie na nais niyang madama ng mga tao ang ibinibigay na dekalidad na serbisyong medikal  at kung nais nilang malaman kung kailan bibisita sa kanilang barangay ang RHU ay makipag-unayan sila sa kanilang mga barangay health workers (BHW) at nutrition scholars (BNS)

The post Serbisyong YAKAP ng Philhealth, umiikot na sa bayan ng Pilar appeared first on 1Bataan.

Previous MOA sa pagitan ng Mariveles at Aboitiz Power Corporation
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.