Ang Freeport Area of Bataan (FAB) ay patuloy na umaani ng atensyon mula sa mga dayuhang mamumuhunan matapos bumisita noong Hunyo 10, 2025 ang mga opisyal ng Vision Products Co. Ltd., isang kilalang bag manufacturing company mula South Korea.
Pinangunahan nina President Ji-Soo Jan at Managing Director Dae-young Jung ang delegasyon, sa tulong ng Korean Trade-Investment Promotion Agency (KOTRA), isang pambansang ahensya ng South Korea na layuning itaguyod ang pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan.
Ipinakita sa kanilang pagbisita ang lumalawak na interes ng mga South Korean manufacturer sa potensyal ng FAB bilang industriyal na destinasyon. Sa isinagawang pagpupulong, ipinrisinta ang mga benepisyong pangnegosyo, legal na mandato, at patuloy na lumalagong imprastruktura ng freeport.
Ang hakbang na ito ng Vision Products Co. Ltd. ay bahagi ng kanilang mas malawak na estratehiya upang tuklasin ang mga oportunidad sa pagmamanupaktura sa Southeast Asia. Ayon sa AFAB, patuloy silang magsusulong ng mga ugnayang internasyonal upang gawing pangunahing sentro ng pamumuhunan ang FAB sa rehiyon.
The post South Korean bag manufacturer, nais mamuhunan sa FAB appeared first on 1Bataan.