Taripa sa tricycle sa Orani, aamyendahan

Philippine Standard Time:

Taripa sa tricycle sa Orani, aamyendahan

Nakatakda nang baguhin ang Tricycle Matrix o taripa ng pasahe sa mga tricycle, na nakapaloob sa Municipal Ordinance no. 06 Series of 2021, matapos na talakayin ito ng Komite sa Transportasyon, Sangguniang Bayan ng Orani na pinamumunuan ni Konsehal Marvin dela Cruz..

Kaugnay nito ay nakipagpulong din si Mayor Jon Arizapa sa mga kinatawan at opisyal ng Tricycle Association na pinamumunuan ng kanilang Pangulo Rofolfo C. Agustin.

Ayon kay Mayor Arizapa kailangang timbangin ang halaga  ng pasahe na dapat singilin sa mga tao sa hirap nang buhay sa ngayon, sa laging pagtaas ng presyo ng langis, sa hirap na dinaranas ng mga tricycle drivers at iba pang kadahilanan na mauunawaan ng mga mamamayan.

Nagsagawa ng mga public hearings sa iba’t ibang barangay lalo na yaong malalayo upang maipaliwanag sa mga tao ang nakatakdang pagbabago ng pasahe gayundin marinig mula sa kanila at sa mga drivers ng tricycle ang kanilang mga hinaing, kung saan ang lahat nang ito ay isasaalang-alang sa deliberasyon sa Sangguniang Bayan.The post Taripa sa tricycle sa Orani, aamyendahan appeared first on 1Bataan.

Previous Armchairs distributed to public schools in Balanga City

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.