
Umabot sa mahigit Php 400,000 halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga magsasaka at mangingisda ng lungsod bilang suporta sa kanilang kabuhayan. Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga binhi, pataba, pressure cooker, canner, at marine engine na personal na pinangasiwaan ni Ms. Nerissa Mateo, hepe ng City Agriculture Office.
Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Raquel, inihayag niya na ang pagbibigay-ayuda ay hindi lamang pagtugon sa pangangailangan, kundi pagbibigay din ng dignidad upang mas mapalakas ang kakayahan ng mga benepisyaryo na makatulong sa kapwa. Aniya, mahalaga ang patuloy na pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangingisda bilang haligi ng lokal na ekonomiya.
Inaasahang mas mapapabuti ng tulong na ito ang produksyon, tataas ang kita, at magiging mas magaan ang hanapbuhay ng mga magsasaka at mangingisda. Sa huli, makikinabang din ang bawat pamilyang Balangueño sa mas mura at masustansyang pagkain na kanilang maihahain sa hapag.
The post Tulong para sa magsasaka at mangingisda sa Balanga City appeared first on 1Bataan.












