Simula sa unang araw ng Agosto hanggang ika-10 ng Agosto, araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Gagawin ito sa mga tanggapan ng Election Officer at satellite registration sites sa buong bansa, at sa Register Anywhere Program sites sa NCR mula unang araw ng Agosto hanggang sa ika-7 ng buwng nabanggit.
Tumatanggap ang COMELEC ng aplikasyon para sa pagpaparehistro, pagpapalit ng pangalan o katayuan, pagwawasto ng entries, reactivation ng registration records, inclusion o reinstatement ng pangalan sa listahan ng botante, at pag-update ng records ng PWD, senior citizen, at mga miyembro ng IP at ICC. Kasama rin ang transfer mula overseas papuntang lokal ngunit walang local transfer na tatanggapin.
Maaari ring magsumite online ng aplikasyon para sa reactivation, reactivation na may correction o pagbabago, at reactivation na may updating ng records. Paalala ng COMELEC na basahin ang kumpletong detalye sa kanilang opisyal na mga anunsiyo para sa tamang proseso ng pagpaparehistro.
The post Voter registration para sa 2025 Barangay at SK Elections, sisimulan na appeared first on 1Bataan.