Walang subasta sa mga vendors sa darating na pista ng Orani

Philippine Standard Time:

Walang subasta sa mga vendors sa darating na pista ng Orani

Ito ang ipinaliwanag ni Orani Mayor Jon Arizapa sa darating na kapistahan ng kanilang Patron, Birhen Milagrosa del Rosario, na wala umanong magaganap na subasta sa mga magtitinda galing sa ibang lugar sa mga pangunahing kalsada patungo sa simbahan, at ibibigay niya nang libre ang ilang slots dito sa mga taga Orani na nais magtinda.

 

Ayon pa kay Mayor Arizapa, isa pa sa pinaghahandaan nila ay ang pagsasa-ayos ng trapiko at ang magiging ayos ng mga nagtitinda na hindi magiging hadlang o sagabal sa mga deboto pagpunta ng simbahan at para lalo pang maging maginhawa ang mga deboto ay binuksan ni Mayor Arizapa ang paligid ng Plaza para gawing Parking Area na malapit sa simbahan.

 

Nilinaw ni Mayor Arizapa na sinuman ang mabigyan ng pagkakataon na makapagtinda, nang libre, ito ay para sa kanila lamang at hindi pwedeng ipahiram, ipagbili o paupahan.

 

Ilulunsad naman ni Konsehala Abba Sicat, na Pangulo ngayon ng Orani Town Fiesta, ang Arko Beautification, kung saan ang bawat barangay na sakop ng fiesta ay gagayakan ang kani kanilang mga arko ng mga recyclable materials, at ang mapipiling pinakamaganda ay magkakamit ng gantimpala. Inaasahang magiging simple, maayos, mapayapa at masaya ang darating na Pista ng Bayan ng Orani.

The post Walang subasta sa mga vendors sa darating na pista ng Orani appeared first on 1Bataan.

Previous AboitizPower and partners plant 1,000 bamboo seedlings

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.