
Matagumpay na naisagawa ang Weekly Iron- Folic Acid (WIFA) Orientation na dinaluhan ng 70 estudyante ng Mariveles National High School.
Pinangunahan ito ni Dr.Joanne Panangui-Lumabi bilang speaker ng nasabing oryentasyon na naglalayong ipaunawa sa mga kabataan, ang kahalagahan ng regular na pag-inom ng iron-folic acid upang mapanatili ang kalusugan at maiwasan ang anemia sa mga kabataan.
Naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa, ang Mariveles Municipal Nutritionist, ang MHO ng Mariveles na si Dr. Gerald Sebastian, at sina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion at iba pang opisyal na patuloy ang adbokasiya sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at kalusugan sa komunidad.
The post WIFA orientation sa Mariveles National High School appeared first on 1Bataan.












