
Sa direktiba ni Mayor Anne Inton nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office ng isang orientation tungkol sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) para sa mga mag aaral ng Hermosa National High School, Balsik National High School at mga annex ng mga ito.
Tinatayang 70 mag-aaral mula sa mga nasabing paaralan ang nakinabang sa programa mula ika 26 hangang ika-28 ng Agosto.
Ayon kay Mayor Anne Inton, ang nasabing programa ay may layuning magbigay ng kamalayan, magpatibay sa proteksyon at mailayo ang mga kabataan sa anumang uri ng pang-aabuso katuwang ang iba’t-ibang ahensya na nakatuon sa kapakanan ng mga bata.
The post Online sexual abuse orientation, isinagawa sa bayan ng Hermosa appeared first on 1Bataan.












