
Hindi na kailangang pumunta pa sa Municipal Health Center ang mga taga-Orani para magpabunot ng ngipin, dahil aarangkada na kada linggo ang kanilang Dental Bus sa bawat barangay.
Ayon kay Mayor Jon Arizapa, alam niyang marami sa kanyang mga kababayan ang hindi nakaabot sa kanilang Kalinga Medical Mission lalo na yong libreng bunot ng ngipin. Kung kaya’t paiigtingin pa niya ang kanilang serbisyo sa pa-check up at libreng bunot ng ngipin kapag nagpunta na sa kanilang barangay ang nasabing Dental Bus. Ito’y animo dental clinic na kumpleto sa kagamitan at may dentista.
Abangan ang anunsyo sa kanilang Facebook page para sa iskedyul ng pagpunta ng Dental Bus sa kanilang barangay.
The post Orani Dental Bus aarangkada na sa bawat barangay appeared first on 1Bataan.